Wanted naghagis ng granada, utas

MANILA, Philippines - Napaslang ng mga operatiba ng pulisya ang itinuturing na wanted person matapos na maghagis  ng granada na kung saan nasugatan ang isang pulis na magsisilbi ng warrant of arrest kaugnay ng kasong illegal possession of firearm sa bayan ng Lubao, Pampanga kahapon ng umaga. Kinilala ang napatay na si Jesus “Boy Pana” Torres ng Sitio Mulang Matwa sa Barangay San Roque Arbol sa nasabing bayan. Isinugod naman sa ospital ang nasu­gatang si PO2 Randy Pascacio ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) 3. Nabatid na isisilbi sana ng mga tauhan ng RPSB-3 at 31st Maneuver Company sa pamumuno ni P/Senior Inspector Elias Tait ang warrant of arrest laban kay Torres. Gayon pa man sa halip na sumuko ay naghagis pa ng granada ang suspek kung saan nasugatan si PO2 Pascacio. Napilitan naman ang arresting team na paputukan ang suspek kung saan ito napatay.

Show comments