Preso dinedo dahil sa panaginip

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Napaslang ang 45-anyos na detainee sa Bureau of Jail Management and Penology matapos itong gulpihin ng kanyang kakosa kaugnay sa masamang panaginip sa kanilang selda sa Cauayan City, Isabela kamakalawa. 
Kinilala ni P/Supt. Mariano Rodriguez, hepe ng Cauayan City PNP ang napatay na si Nestor Asuncion ng Barangay Marabulig habang nakilala naman ang suspek na si Rodrigo Casugay ng Barangay Dist.1 at kapwa may kasong bawal na droga. Lumalabas sa imbestigasyon na aksidenteng natadyakan ng biktima ang mukha ng suspek na natutulog  dahil sa masamang panaginip.
 Gayon pa man, tumayo ang suspek saka pinagsisipa at ginulpi ang biktima hanggang sa mawalan ng ulirat.
 Hindi na nagkamalay ang biktima nang isugod ng mga guwardiya sa Cauayan District Hospital.

Show comments