Gun for hire timbog, droga nasamsam

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga undercover agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang notoryus na gun for hire gang member matapos itong magbenta ng shabu sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr. ang nasakoteng suspek na si Dida Bantay Alfonso, 48, wanted sa gun for hire at residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay Cacdac si Dida ay kapatid ni Tuli Bantay Alfonso, isang miyembro ng Bua drug group na nakatakas sa buy bust operation ng mga operatiba ng PDEA Regional Office- Autonomous Region in Muslim Mindanao kamakailan.

Bandang alas-4:30 ng madaling araw ng masakote ng mga elemento ng PDEA-ARMM sa pamumuno ni Director Yogi Filemon Ruiz si Dida sa aktong iniaabot ang isang sachet ng shabu sa poseur buyer ng mga awtoridad sa operasyon sa Brgy. Taviran sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

 Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang isang plastic sachet ng shabu, isang cal. 45 pistol na may limang bala, magazine at P100 marked money na pinagbentahan nito ng shabu­.

 

Show comments