Brgy. kagawad itinumba

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 47 anyos na brgy. councilor ang napatay matapos itong ratratin ng pinaghihinalaang ‘hired assassin’  habang sakay ng kanyang motorsiklo papauwi sa kanyang tahanan sa kahabaan ng national highway sa Sitio Pagappo, Brgy. Guiddam, Abulug, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Allen Dallauay na Kagawad ng Barangay Centro sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na sinabayan ng nakamotorsiklong gunman ang kagawad saka pinagbabaril gamit ang cal. 45 boga

Mabilis na nakatakas ang suspect na naka suot ng itim na jacket at naka helmet ayon sa mga nakasaksi.

Kasalukuyan pa rin si­ni­­siyasat ng pulisya ang maaring motibo sa nasabing pamamaslang.

 

Show comments