Bisor ni-rape ng kawatan

CAVITE, Philippines - – Hinalay ang 27-anyos na dalagang bisor matapos looban ng apat na kawatan ang gas station sa Barangay Poblacion 2, bayan ng Ternate, Cavite kahapon ng madaling araw. Base sa police report, bandang alas-2 ng madaling araw nang pasukin at pagnakawan ng apat na kalalakihan ang Oiland Gas Station sa kahabaan ng provincial highway. Nabatid na pinutol ang barbed wire sa likurang bahagi ng pader kaya nakapasok ang mga kawatan sa loob ng gasolinahan. Bago tumakas ay hinalay pa ng dalawa sa apat na kawatan ang dalagang bisor na stay-in sa nasabing gasolinahan bago nagsitakas tangay ang P142, 000 cash. Iginapos din ang dalaga at kasama nitong watchman na si Jonard Jagos.

Show comments