CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines - – Apat na obÂrero ang namatay habang sampu naman ang sugatan matapos mahulog ang trak sa malalim na bangin sa bayan ng Majayjay, Laguna kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Senior InsÂpector Marcelito Marcial, hepe ng Majayjay PNP ang mga namatay na sina RoÂnald Grencio, Rolan Grencio, Reynaldo Millet, at si Elmer Mareveles, mga nakatira sa Barangay San Miguel at Barangay Talortor sa nasabing bayan.
Naisugod naman sa Majayjay Hospital bago inilipat sa Laguna Provincial Hospital ang mga sugatang sina Ricky Grencio, Rafael Empoy, Benjan Asmiller, Angel Tanauan, Jolas Rocero, Romeo Revillosa, Roel Rocero, Efren Iriga, Roberto Locag at ang driver ng trak na si Domingo Arsulacia.
Nabatid na ang mga biktima ay kawani ng Orguer Trading and Construction na pag-aari ni Engr. Orland Jasildo.
Sa inisyal na pagsisiyasat, patungong bayan ng Sariaya, Quezon ang mga biktima sakay ng Isuzu Elf truck (VCF 623), nang mawalan ng kontrol sa maniÂbela ang driver hanggang mahulog sa may 8-metrong lalim na bangin pagsapit sa bahagi ng Barangay Ilayang Banga malapit sa Dalitiwan Spring Resort bandang 5:30 ng umaga.
“Zigzag road kasi ’yon sa gilid ng bundok, although cemented, delikado pa rin doon pagnawalan ka ng control,†paliwanag ni Marcial sa phone interview.
Inaalaam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng aksidente kung ito ba ay mechanical failure o human error. Dagdag ulat ni Joy Cantos with trainees Dan Lesley Ablay at Aljohn Cueva