Apo todas sa lolo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  â€“ Napaslang ang 10-anyos na apo matapos itong saksakin ng kanyang lolo kaugnay sa hiniram na gamit sa pangingisda kamakalawa sa Barangay Gangalan, bayan ng San Mariano, Isabela.
 Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Bonifacio Gannaban, hepe ng San Mariano PNP, lumalabas sa imbestigasyon na inutusan lamang ng kanyang ina ang biktimang si Daniel Lagat na manghiram ng gamit sa pangingisda sa kanyang lolo na si Domingo Diaros, 64, nang mairita ang matanda. Kasunod nito ay inundayan ng saksak ng matanda ang batang walang kamalay-malay na sasalubungin ni kamatayan. 
Agad  naman nadakip ng pulisya ang matanda kung saan pormal na kakasuhan.

Show comments