Konsehal ng barangay, nilikida

CAVITE , Philippines   â€“ Pinabulagta ang 38-anyos na barangay councilor matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa kahabaan ng Governors Drive sa Barangay Hugo Perez sa Trece Martirez City, Cavite kahapon ng madaling araw. Base sa police report, minamaneho ni Konsehal Ronald Cale ang itim na Toyota Corolla (GEL-693) nang ratratin ng rupo ng kalalakihan pagsapit sa madilim na bahagi ng nabanggit na barangay bandang alas-3:50 ng madaling araw. Nabatid na papauwi na ang biktima mula sa paglalaro ng online casino game sa bayan ng General Trias nang makasalubong si kamatayan.

 

Show comments