Shootout: 3 holdaper bulagta

MANILA, Philippines - Tatlong notoryus na holdaper ang bumulagta matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Canlusong, bayan ng EB Magalona, Negros Occidental kahapon ng umaga. Sa ulat ni Negros Occidental Police Director P/Senior Supt. Milko Lirazan, kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga napatay na sinasabing miyembro ng Seva robbery/holdup gang na sangkot sa serye ng holdapan sa iba’t-ibang bayan sa nasabing lalawigan. Bandang alas-6 ng umaga habang isinisilbi ng mga operatiba ng pulisya ang warrant of arrest laban sa mga suspek nang manlaban kung saan nauwi sa palitan ng putok habang nakatakas naman ang iba pa ng kasamahan ng tatlo. Sugatan naman ang isang miyembro ng PNP Special Operations Group.

Show comments