Negosyanteng bunso dedo kay kuya

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 55-anyos na negosyante ng kanyang kuya sa Barangay Centro 2, bayan ng Luna, Isabela kamakalawa. Pitong saksak ang tumapos sa buhay ng biktima ng si Jose Beltran habang nasakote naman ang suspek na si Pedro Beltran, 60, ng Barangay Centro 1. Sa ulat ni P/Senior Insp. Edgar Pattaui, hepe ng Luna PNP, lumilitaw na nakaupo ang biktima sa loob ng kanyang kotse nang lapitan at saksakin ng suspek. Hindi pa nakuntento ang suspek sa ginawang pananaksak ay pinagpapalo pa ito ng bato sa ulo.

Show comments