Trak vs bike: 2 utas, 1 grabe

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  â€“ Dalawa-katao ang namatay habang isa naman ang malubhang nasugatan  matapos magsalpukan ang trak at motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Paulog, Ligao City, Albay. Hindi na umabot pa ng buhay sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital ang mga biktimang sina Marlon Pillarda, 34, driber ng motorsiklo; at Jeorge Pantoja, 38, habang malubha naman si Jason Diaz, 28, pawang nakatira sa Purok 3, Barangay Mauraro sa bayan ng Guinobatan, Albay. Lumilitaw na nag-overtake ang motorsiklong patu­ngong bayan ng Libon sa sinusundang sasakyan kaya inagaw nito ang kabilang linya ng kalsada at nasalpok ng kasalubong na trak (UJV-432) na minamaneho ni Gil Kalaw ng Brgy. Cabid-am, Sorsogon City sa Sorsogon.

Show comments