Bike vs trike: Ama todas, 4 grabe

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Patay ang 58- anyos na tatay habang kritikal naman ang kanyang mag-ina at manugang makaraang magsalpukan ang motorsiklo at traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Masaya Sur, bayan ng San Agustin, Isabela kamakalawa. Sa ulat ni P/Senior Insp. Ricardo Salada, hepe ng San Agustin PNP, kinilala ang namatay na si Marcelo Cabuga habang malubha naman ang mag-ina nitong sina Rosalinda Cabuga, 51; Jenicel Cabuga, 20; at ang manugang na driver ng trike na si Allan Ramos. Kritikal din ang helper na si Jojo Alejo, 26, ng Barangay Sinaoangan. Lumilitaw na patungong Barangay Poblacion ang motorsiklo nang makasalpukan ang traysikel na sinasakyan ng pamilya Cabuga na pauwi na sana sa Barangay Mapalad. Naisugod naman sa Prospero Bello Memorial Hospital sa karatig bayan ng Jones ang mga biktima subalit namatay din si Marcelo.

 

Show comments