39 sibilyan hinostage ng NPA rebels

MANILA, Philippines - Umaabot sa 39 sibilyan ang hinostage ng mga armadong rebeldeng New People’s Army (NPA) sa  Brgy. Mahayahay, Maragusan, Compostela Valley, ayon sa opisyal kahapon.

Sa phone interview, kinumpirma ni Lt. Col Michael Logico, Commander ng Army’s 66th Infantry Battalion (IB) umpisa pa nitong Biyernes ng gabi hanggang nitong Sabado habang sinusulat ang balitang ito ay ayaw pa ring pawalan ng mga rebelde ang mga sibilyang residente sa lugar.

“They are using the civilians numbering about 35-39  as human shields, mas makabubuting pakawalan na lamang nila yung mga hostage nila at magsisuko na lamang sila”, pahayag ni Logico.

Bandang alas-10:17 ng umaga nitong Sabado ng mag­responde ang tropa ni Logico sa lugar matapos na matanggap ang impormasyon pero nagmamatigas pa rin ang mga rebelde na pakawalan ang mga hostage.

Sinabi ni Logico na nag-deploy siya ng karagdagang sundalo na pumapalibot sa lugar pero sa kasalukuyan ay hindi ang mga ito makagalaw dahil sa baka madamay ang mga inosenteng sibilyan.  Nabatid na ang nasabing mga rebelde ay nagre-recruit ng mga sasapi sa kanilang kilusan at nangingikil din ng revolutionary tax.  

 

Show comments