Hepe ng sekyu, itinumba

NORTH COTABATO, Philippines - - Napatay ang hepe ng University of Southern Mindanao Security Services Ma­nagement makaraang pagbabarilin ng riding-in- tandem assassins sa loob ng USM main campus, bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Sa report ng USM Security Force, kinilala ang biktima na si Ronald Lopez, dating guro sa University Laboratory School. Batay sa report, naka-convoy ang biktimang lulan ng motorsiklo sa sasakyan ni Dr. Cayetano Pomares nang ratratin pagsapit sa panulukan ng nasabing lugar. Napag-alaman pa na ang biktima ay may mga natatanggap na banta sa buhay bago naganap ang pamamaril.

Show comments