2 todas sa ambush ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Dalawa-katao ang napaslang habang isa  naman ang malubhang nasu­gatan sa naganap na pananambang ng mga  rebeldeng New People’s Army kahapon ng umaga sa Barangay San Antonio, bayan ng Casiguran, Sorsogon. Nakilala ang mga biktima na sina Corporal Edison Capital, 31, ng Alpha Coy 30th Infantry Battalion ng Phil. Army at Anthony Habalo ng Barangay Central. Sugatan naman ang kabaro ni Capital na si Pfc. Jenly Balbis, 26, ng Pili, Camarines Sur. Nabatid na magkaangkas sa motorsiklo sina Capital at Balbis nang ratratin ng mga rebelde pagsapit sa nasabing barangay kung saan tinamaan ng ligaw na bala si Habalo.

Show comments