Mister sinaksak ng utol dahil sa basura

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa pagtatalo kaugnay sa pagtatapon ng ba­sura, nasa kritikal na kondisyon ngayon ang 33-anyos na mister matapos itong pagsasaksakin ng nakatatandang kapatid na lalaki sa Barangay Kasangyangan, Zamboanga City, noong Lunes ng hapon. Kinilala ni P/Senior Insp. Robert Ortega, spokesman ng PNP Regional Office ang biktima  na si Khadafy Lakibul na kasalukuyang nasa Zamboanga City Medical Center sa tinamong malalim na sugat sa katawan partikular na sa kaniyang dibdib. Patuloy namang pinaghahanap ang suspek na si Haber Lakibul, 45. Nabatid na nagtalo ang mag-utol matapos na bumagsak  sa kuwarto ng suspek ang basura  na itinapon ng biktima mula sa ikalawang palapag. Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay inundayan ng saksak ng suspek ang sariling kapatid.

Show comments