Pulis nabaril ang sarili, utas

MANILA, Philippines - Isang tama  ng bala sa bibig na tumagos sa kaniyang ulo ang tumapos sa buhay ng 36-anyos na pulis matapos na aksidenteng mabaril ang sarili sa loob ng kanilang barracks sa Sipalay City, Negros Occidental kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Noel Mana-ay, hepe ng Sipalay City PNP ang biktima na si PO2 Joery Ayo, nakatalaga sa Police Community Relations ng Sipalay City PNP. Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na nililinis ni Ayo ang kaniyang baril sa loob ng kanilang barracks sa likuran ng himpilan ng pulisya nang salubungin ni kamatayan. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw na tumama sa bibig ng biktima na bagaman nagawa pang maisugod sa Sipalay Emergency Clinic ay nabigo ng maisalba ang buhay.

 

Show comments