MANILA, Philippines - Dalawang negosyante kabilang ang isang Chinese ang nasawi matapos na paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang riding in tandem na mga armadong salarin sa ambush sa provincial road, Brgy. Bugas-Bugas, Placer, SuÂrigao del Norte kamakalawa ng hapon.
Kapwa dead-on-the-spot sa insidente ang mga biktimang kinilalang sina Qiang Liu, 36, binata, negosyante, Chinese ng Brgy. Suyoc, Placer at Rizzel de la Cruz, 22, may asawa ng Alegria ng nabanggit ring lalawigan.
Sa ulat, sinabi ni Supt. Martin Gamba, Spokesman ng CARAGA Police, naganap ang pananambang sa mga biktima sa kahabaan ng provincial road, Brgy. Bugas, Placer bandang alas-2:45 ng madaling-araw.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ng KIA 2700 vehicle (15089-UV02) ang mga biktima patungo sa Brgy. Suyoc, Placer nang sundan ng riding-in-tandem na mga armadong kalalakihan at pagbabarilin pagsapit sa lugar.
Ang dalawang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya ng mga itong dagliang ikinasawi.
Bago tuluyang tumakas ay nilapitan pa ng mga suspek ang mga biktima at muling niratrat upang tiÂyaking hindi na mabubuhay pa ang kanilang target.
Narekober naman ng mga nagrespondeng opeÂratiba ng pulisya sa crime scene ang anim na cartridge at mga basyo ng bala ng cal 45 pistol, isang LeÂnovo cell phone, dalawang Cherry mobile phones, isang kulay kayumangging bag na naglalaman ng P29,500 cash, drivers license at iba pa.