2 sekyu tinodas sa resort

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Napatay ang dalawang security guard matapos ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan na nanloob sa beach resort sa Barangay Cansan, bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Edwin Calubaquib, hepe ng Cabagan PNP ang mga biktima na sina Joselito Javal ng Barangay Lingaling, Tumauini; at Baltazar Morillo ng Barangay Cubag sa nasabing bayan. Lumalabas sa imbestigasyon na magsasara na ang Round Rock Resort nang biglang pasukin ng mga armadong lalaki kung saan kaagad na pinagbabaril ang dalawang guwardiya. Nilimas ng mga kawatan ang malaking halaga ng resort saka tinangay ang mga baril ng dalawang sekyu na pinatay.

Show comments