2 tinedyer ‘sinalvage’

NORTH COTABATO, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang tinedyer matapos ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan sa naganap na summary execution sa Purok Saranay, Ba­rangay New Rizal sa bayan ng M’lang, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Sunny Leoncito, hepe ng M’lang PNP ang mga biktima na sina Christian Dave Billeza, 15, ng Ba­rangay Tawan-tawan at Ruben Loranya, 15, ng Barangay Riverside, Poblacion sa nabanggit na bayan. Batay sa police report, tinalian muna ang mga kamay at paa ng mga biktima bago pinagbabaril saka inabandona sa nasabing barangay. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at cal. 9mm pistol.

 

Show comments