Trader itinumba sa simbahan

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 54-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa labas ng simbahan kung saan ginaganap ang “Salubong” noong Linggo ng umaga sa Barangay Taal, bayan ng Bocaue, Bulacan. Dalawang tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Marlo Manzo, beterinaryo, at nakatira sa Barangay Tambubong sa nasabing bayan. Sa ulat ni PO3 Francis Ramos, lumilitaw na pansamantalang lumabas ng simbahan ang biktima nang lapitan at ratratin ng gunmen matapos buksan nito ang kanyang sasakyan na nakaparada. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ng pulisya ang anggulong love triangle at negosyo ng biktima.

Show comments