Dalagita kinidnap ng manliligaw

MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na dalagitang Tsinoy ang iniulat na kinidnap ng matandang manliligaw na kaniyang binasted sa Barangay Malinao, bayan ng Baliguian, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Joseph Ortega, naganap ang pagdukot sa biktimang si Litlyn Lim bandang alas-5 ng hapon habang ito ay lulan ng dilaw na scooter patungo sa bayan ng Gutalac. Pinaghahanap naman ang suspek na si Ferdinand Franco, 55, crew member ng fishing vessel na may markang GMA at sinasabing may isang buwan pa lamang na nanliligaw sa biktima. Gayon pa man, nakatakas ang biktima bandang alas-5:30 ng hapon matapos makalingat ang suspek. With Ronalyn Llobit at Karen Ballon

Show comments