Tulak utas sa drug den

BULACAN , Philippines  â€“ Napatay ang 38-anyos na pinaniniwalaang drug pusher habang nasakote naman ng dalawang iba pa matapos salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang itinuturong drug den sa Barangay San Martin III, San Jose Del Monte City, Bulacan noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang napaslang na si Jessie Antalan habang arestado naman ang mga suspek na sina Saidona “Pablo” Disalo at Elena Dela Cruz, kapwa nakatira sa Purok 9, Area C. Pinaghahanap naman ang dalawang may-ari ng bahay na sina Ricky Decenas, at Richard “Quiboy” Opriada. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Reynaldo Magdaluyo ng CIDT-Bulacan, ni-raid ang nasabing lugar makaraang makatanggap ng ulat mula sa mga barangay opisyal kung saan nanlaban ang mga drug pusher kabilang na si Antalan. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu, P6,605 cash ng droga, cal.38 revolver, at mga drug paraphernalia.

 

Show comments