Estudyante nalunod sa pool

MANILA, Philippines - Hindi na nasilayan ang Sabado de Gloria ng 14-anyos na estudyante matapos itong malunod sa swimming pool sa Barangay San Jose, bayan ng Montalban Rizal, kamaka­lawa ng hapon. Idineklarang patay sa H-Ville Hospital ang biktimang si Mariela Kay Flores ng Masagana Street, Litex Road sa Barangay Commonwealth, Quezon City. Sa ulat ni PO3 Andrew Guerrero, lumilitaw na napadpad ang biktima sa malalim na bahagi ng swimming pool kung saan sinikap na sagipin ng kaibigang si Efreim Saberon subalit maagap si kamatayan.

 

Show comments