LEGAZPI CITY, Albay , Philippines - Napatay ang 32-anyos na mister na inakalang asset ng pulisya at militar matapos itong pababarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa harapan ng kanyang anak kahapon ng umaga sa Sitio Talisay, Barangay Tuburan, bayan ng Cawayan, Masbate. Aabot sa 12-bala ng malalakas na kalibre ng baril ang tumapos sa buhay ni Raymund Bronula, magsasaka tubong Barangay Panique sa bayan ng San Pascual Masbate at nakatira sa nasabing bayan. Sa police report, pinatay ang biktima sa harap ng kanyang bahay kung saan nasaksihan naman ng kanyang anak na lalaki. Itinanggi naman ng pamilya ang akusasyon laban sa biktima habang narekober sa crime scene ang 12-basyo ng bala ng M16 Armalite rifle at cal. 45 pistol.