Magsasaka nakuryente

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Naunang nalitson kaysa sa alaga niyang baboy ang isang 20-anyos na magsasaka matapos itong aksidenteng makuryente sa kaniyang piggery sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela kamakalawa. 
Kinilala ni Sr. Insp. Jhun-Jhun Balisi, hepe ng pulisya ng Quezon ang biktima na si Mark Jay Abon na residente ng nasabing lugar.  
Lumalabas sa imbestigasyon na binasa ng biktima sa pamamagitan ng hose ang kulungan at alagang baboy nito na nag-aalburuto sa init ng panahon. Ayon sa ulat,   nakalimutang patayin ng biktima ang  kuryenteng kaniyang ikinabit sa bakod ng kulungan na aksidente naman nitong nahawakan.
 Nabigong maisalba ang buhay ng biktima sa pagamutan.

 

Show comments