Ex-asset, itinumba

CABANATUAN CITY, Nue­­va Ecija, Philippines — Walang-awang binaril at napatay ang isang dating asset ng pulisya na pinaniniwalaang sindikatong kanyang na­itimbre matapos pasukin ang tahanan nito ng mga armadong kalalakihan sa lungsod na ito kamakalawa.

Nakadapa at tila humi­hingi ng awa sa suspek ang na­patay na biktima na si Angelo­ Lucas, 39-anyos, may-asawa, nang marekober ang bangkay sa Brgy. Bantug Norte ng naturang siyudad.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa kaniyang ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon sa pulisya, na­tagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-7 ng umaga noong Biyernes at itinawag ito sa pulisya ng isang nagpakilalang Rolan Lucas ng nasabi ring lugar.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol at mga drug paraphernalia.

 

Show comments