BULACAN, Philippines — Kalaboso ang dalawa sa tatlong notoryus na mga holdaper na responsable sa serye ng panghoholdap sa lalawigan makaraan ang mga itong masakote sa checkpoint sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kahapon.
Hindi na nakapalag pa sa mga nakapaligid na pulisya nang sitahin ang mga suspek na sina Ranel Lacita, 27; at Raymark Caguite, 18; kapwa residente ng NHB, Brgy. Tigbe sa Norzagaray habang nakatakas naman ang isa pang kasabwat nila na si Ronan Gabriel na nakilala base sa rouge gallery ng pulisya.
Base sa ulat ni Bulacan Provincial Director P/Sr.Supt. Joel Orduña mula kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, dakong alas-5:30 ng hapon habang nagsasagawa ng police checkpoint si P/Insp. Romeo de Guzman sa bahagi ng Brgy. Poblacion nang dumaan ang dalawang suspek lulan ng motorsiklong Yamaha MIO ( 7050-XR ) na walang suot na helmet na naging dahilan upang paÂhintuin ang mga ito.
Habang iniinspeksyon ay dito na natagpuan sa kanilang mga bag ang isang cal. 45 revolver at isang .38 revolver.
Samantala, habang iniimbestigahan sa himpilan ng pulisya ay nadiskubreng ang mga ito ang nasa likod ng serye ng holdapan sa Bulacan.