BATANGAS, Philippines - - Patay ang mag-among negosyante at technician matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Tanauan City, Batangas kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Ricardo Pecho, 46, businessman, ng Barangay Sambat sa nasabing lungsod; at Jonathan Marfa, 39, computer technician at nakatira sa Barangay Trapiche. Sa ulat ng pulisya, nasa loob ng pag-aaring welding shop ang mag-amo nang pasukin at ratratin ng dalawang armadong lalaki bandang alas-8:30 ng umaga. Tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo patungo sa bayan ng Talisay, Batangas habang narekober naman sa crime scene ang 16-basyo ng cal. 9mm pistol.