Natusta sa sunog

QUEZON, Philippines - Natusta ang 23-anyos na lalaki makaraang makulong sa nasunog na bahay sa Barangay Buensoceso, bayan ng Gumaca, Quezon kamakalawa ng madaling araw. Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-4:05 ng madaling araw nang lamunin ng apoy ang buong bahay ng biktimang si Nicolai Bagnate  na sinasabing hindi na ito nakalabas dahil sa kahimbingan sa pagtulog. Dakong alas-4:46 na ng umaga nang makita ang tupok na katawan ng biktima sa kanyang kuwarto.

 

Show comments