MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang 46-anyos na Italyanong diplomat na pinaniniwalaang pedophile matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa kasong child trafficking sa Splash Island Resort sa Biñan City, Laguna kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Laguna PNP director P/ Senior Supt. Romulo Sapitula, kinilala ang dayuhang suspek na si Daniel Bosio na nakatalaga sa Ministry of Foreign Affairs bilang councilor sa Turkmenistan at pansamantalang nanunuluyan sa 30 B Tower 1 sa Eastwood City, Metro Manila. Bandang alas-8 ng gabi nang masakote si Bosio sa nabanggit na resort matapos na ireklamo nina CaÂtherine Scerri at Lily Flordelis ng Bantay Tuluyan Foundation. Sinasabing kasama ng suspek ang tatlong batang lalaki sa Splash Island Resort mula pa sa Maynila. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Child Trafficking Law).