Lolo todas sa van

CAMARINES NORTE , Philippines    - Tumilapon mula sa sinasakyang bisikleta at namatay ang 50-anyos na lalaki makaraang salpukin ng closed van sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Jose, bayan ng Milaor, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Jose Pad ng Brgy. Lipot matapos na magtamo ng matinding pinsala sa ulo habang ito ay sakay ng bisikleta dakong alas-4:45 ng hapon. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng van na si Edmar Barcenas, 28, ng Purok 5, Brgy San Pascual, Basud, Camarines Norte. Base sa police report, lumilitaw na kumabig ng kabilang linya ang bisikleta ng biktima kaya nakasalubong ang van na may conduction sticker ZF 4866 ni Bercenas na nagmula pa sa bayan ng Pili patungong Metro Manila.

 

Show comments