Ina grinipuhan ng anak, todas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Napatay ang 57-anyos na ina na sinasabing umawat sa mag-utol na nag-aaway matapos itong saksakin ng anak na lango sa alak sa Barangay Bugayong, bayan ng Binalonan, Pangasinan kamakalawa. 


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erlinda Sermese  na namatay dahil sa sobrang pagkawala ng dugo sanhi ng saksak sa kanyang hita.


Nabatid na nagtangkang awatin ng biktima ang mga anak na sina Virgilio at Wilson Sermese na kapwa lango sa alak.


Ayon sa ulat ng pulisya, aksidenteng nasaksak ni Virgilio ang ina sa hita na siyang dahilan ng kanyang kamatayan dulot ng hindi naampat na pagdurugo.


Sising alipin naman  ang suspekt na humihimas ngayon ng malamig na rehas ng bakal habang pinag­lalamayan sa kanilang bahay ang sariling ina.

Show comments