Misis dinedo ng selosong mister

MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng 48-anyos na misis makaraan itong pagsasaksakin ng seloso nitong mister sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sto Niño, bayan ng Polanco, Zamboanga del Norte kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Juanita Acopiado habang arestado naman ang suspek na si Roseller Acopiado, 53. Ayon sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa dahil sa matinding pagseselos ng mister. Sinasabing naghihinala ang suspek na may ibang lalaki ang asawa dahi lagi itong nakapustura sa tuwing aalis ng kanilang bahay kaya nagkainitan ang dalawa na humantong sa pamamaslang laban sa biktima.

Show comments