Ex-PBA player patay sa karambola sa SLEx - report

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang dating basketbolista at kasama niya matapos masama sa karambola ng tatlong sasakyan sa South Luzon Expressway (SLEx) kagabi.

Nakilala ang biktimang si Bryan Gahol na dating manlalaro sa PBA at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama niyang babae.

Ayon sa ulat ng DZMM, nawalan ng kontrol ang isang cargo jeep na may sakay na mga gulay bago tumama sa trailer truck na nasa kanan nito sa northbound lane ng SLEx.

Matapos banggain ang trak ay kumabig ito pakaliwa at tinamaan naman ang Nissan Urvan na may plakang ZFK 893 kung saan sakay ang dalawang namatay.

Dahil sa lakas ng pagbangga ay umikot ang Urvan at nabangga ulit ng jeep bago ito nadaganan.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang tsuper ng jeep na si Alfredo Abe at truck driver na si Felix Moztaza, ayon pa sa ulat.

Show comments