Honor student nalunod

BULACAN , Philippines   â€”Napalitan ng kalungkutan ang pagbubunyi ng pamilya ng 12-anyos na honor student matapos itong malunod sa Labangan Channel sa pagitan ng mga bayan ng Paombong at Hagonoy, Bulacan noong Biyernes ng umaga. Kinilala ang bikitma na si Gianna Francesca Santos, nagtapos bilang 2nd honor sa Pinagtulayan Elementary School sa Barangay San Isidro II sa nasabing bayan. Ayon kay Larry Santos, nagpaalam pa sa kanya ang anak na si Gianna na makikitulog sa mga pinsan isang araw matapos ang graduation noong Martes (Marso 25). Ayon sa pinsan ng biktima, magkakahawak sila sa gilid ng ilog nang ma­kabitiw at matangay ng agos si Gianna na sinasabing hindi marunong lumangoy. Umabot sa tatlong oras bago natagpuan ng mga residente at ilang rescue team ang bangkay ng biktima.

Show comments