NUEVA ECIJA , Philippines – Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan laban sa 7-anyos na batang babae makaraang malunod habang lumalangoy sa swimming pool sa Leivy Land Resort sa Barangay Pantoc, bayan ng Gabaldon, Nueva Ecija noong Sabado ng umaga. Naisugod pa sa bahay pagamutan ang biktimang si Raniela Rigodos ng Barangay Rizdelis, Cabanatuan City subalit namatay din. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na bandang alas-10: 50 ng umaga nang nalunod ang biktima sa malalim na bahagi ng nasabing swimming pool kung saan sinasabing may kakulangan sa lifeguard ang nasabing resort.