MANILA, Philippines - Sinibak na kahapon sa puwesto ang tatlong pulis ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) ng South Cotabato matapos masangkot sa hindi awtorisadong raid sa illegal gambling den na kinotongan pa ang operator sa Koronadal City, South Cotabato.
Kinilala ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong ang mga sinibak na sina SPO3 Gerry Templonuevo, PO3 Pablo Jugos at si PO3 Apollo Alberto Ilao.
Sa imbestigasyon, sinabi ni Magalong na ang tatÂlong CIDT operatives ay nasangkot sa illegal na raid sa illegal gambling den sa Koronadal City noong Marso 25 nang walang search warrant.
Hindi rin alam ng kaniÂlang superior ang isinagawang raid ng kanilang tatlong tauhan.
Samantala, hindi rin dinala sa himpilan ng CIDT South Cotabato ng tatlo ang naaresto ng mga itong illegal gambling den operator na umano’y dinala sa isang lugar at sinasabing kinotongan ng malaking halaga kapalit ng hindi pagsasampa ng kasong kriminal laban dito.
Nang mabatid ang insidente ayon kay Magalong ay agad nagpalabas ng administrative relief order si P/Senior Inspector Jesson Mocnangan kahapon ng umaga laban sa tatlo.
Isasalang din sa masusing imbestigasyon sa kasong administratibo at kriminal ang tatlong tiwaling pulis sa regional office ng CIDG.