10-anyos hulog mula sa hanging bridge

MANILA, Philippines - Doble kamalasan ang sinapit ng 10-anyos na nene matapos itong mahulog mula sa hanging bridge  kung saan tuluy-tuloy na bumulusok sa ilog kamakalawa ng hapon sa Barangay Salaan, Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Naisugod pa sa Mindanao Central Sanitarium Hospital subalit namatay din ang biktimang si Kimberly Mae Delgado.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagtungo sa tindahan ang bata para bumili ng kendi kung saan pauwi na itong naglaro pa bago tumawid sa hanging bridge. Gayon pa man, dumulas ang paa nito sa basa at putol na bahagi ng nasabing tulay kaya bumulusok ang katawan nito sa ilog.

Sa lakas ng  lagapak una ang mukha at katawan ay nawalan ng malay-tao ang bata  hanggang sa malunod sa ilog na bagaman nagawang saklolohan ng ilang residente ay nabigong maisalba ang buhay.

 

Show comments