Magpinsan inutas sa vulcanizing shop

QUEZON , Philippines   â€“  Kapwa  sabog ang bao ng ulo at nagka­butas-butas ang katawan ng magpinsan na sinasabing nagro-road test lamang ng bagong motorsiklo matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Mangalang 1, bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Edwin Cabula, 19; at Melquades Cabula, kapwa nakatira sa Barangay Bignay 2 habang nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang kanilang kaanak na si Banjo Manalo.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng Sariaya PNP, lumilitaw na naputukan ng isang gulong ng motorsiklo ang mga biktima kasama ang isa pa nilang kaanak na si Banjo Manalo.

Pansamantalang tumigil sa vulcanizing shop ang mga biktima kung saan doon na sila pinagbabaril ng tandem habang nakapagtago agad si Manalo kaya hindi tinamaan ng bala ng baril habang pa­tuloy naman ang imbesti­gasyon.

 

Show comments