NUEVA ECIJA, Philippines - – Isang patay na sanggol na iniÂlagay sa kahon ang inabandona sa gilid ng kalsada sa Barangay Tagtagumbao, bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Ayon kay P/Insp. Elmario Castillo, deputy chief ng Cuyapo PNP, natagpuan ng magsasakang si Henry Aumintar ang patay na sanggol na may diaper pa at nasa kahon. Nabatid sa ulat ng pulisya na nangunguha ng kahoy si Aumintar para sa kanilang tanim na halaman nang mamataan ang kahon malapit sa basurahan. Kaagad namang inusisa ng magsasaka ang kahon kung saan bumungad sa kanya ang patay na sanggol kung saan inilibing naman sa Cuyapo Public CemeÂtery sa Barangay District 2.