Pulis patay sa ambush

CAVITE, Philippines - – Nagwakas ang buhay ng bagitong pulis habang kritikal naman ang kasama nito makaraang ratratin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Barangay San Roque, bayan ng Noveleta, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napatay na si P01 Aries Aquino, na naka-assign sa Noveleta PNP, at nakatira sa Barangay Salinas,  Bacoor City, Cavite. Naisugod naman sa ospital  ang kasama nitong si Jaime Breyro Jr., 49, ng Barangay San Roque,  Cavite City, Cavite. Base sa police report, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo.

Show comments