Pulis itinumba sa punerarya

BULACAN , Philippines   â€“ Napatay ang 40-anyos na pulis makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa harap ng kanyang mag-ina sa labas ng punerarya sa Barangay Maasim, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pitong tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni SPO1 Angelito Liwag ng Barangay Salangan sa bayan ng San Miguel at dating close-in escort ni San Miguel, Bulacan Mayor Roderick Tiongson. Sa imbestigasyon nina PO2 Rodrigo Perez at PO2 Fernando Samson, nagpunta sa burol ng tiyahin ang biktima kasama ang kanyang mag-ina sa Barangay Maasim. Gayon pa man, habang pabalik ang pamilya Liwag sa kanilang sasakyan ay pinagbabaril ng dalawang lulan ng motorsiklo ang biktima.

Show comments