Drayber tinodas sa gitgitan

BULACAN , Philippines   â€“ Pinabulagta ni kamatayan ang drayber ng traysikel habang dalawa nitong kasama ang nasa malubhang kalagayan matapos na pagbabarilin ng naka­gitgitan sa kalsada sa Barangay Assumption, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Mark Allan Bisperas habang kritikal naman sina Primo Bisperas Jr., 56; at Jerick Baluyot, 23, kapwa nakatira sa Barangay San Martin 2. Base sa ulat ng pulisya, lulan ng traysikel ang mga biktima nang makagitgitan ng dalawang motorsiklo na lulan ang ilang kalalakihan. Nauwi sa mainitang pagtatalo ang gitgitan ng magkabilang panig hanggang sa dumating naman ang kasamahan ng dalawang nakamotorsiklo kung saan niratrat ang mga biktima.

Show comments