Clan war: 1 patay, 2 sugatan

NORTH COTABATO, Philippines - – Napatay ang 45-anyos na mister habang dalawa naman ang nasugatan matapos sumiklab ang bakbakan ng dalawang pamilyang magkalaban sa Sitio Wangaen, Barangay Batulawan, bayan ng Pikit, North Cotabato. Kinilala ni P/Inps. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP ang napaslang na si Makabalang Gumaga habang sugatan naman sina Bai Edes Molod, 21; at Argiya Alilaya Abed, 19. Sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng pamilya Gumaga at mga armadong lalaki na kalabang pamilya noong Sabado ng umaga. Habang umaatras ang pangkat ng mga armadong grupo sa bahagi ng Barangay Balungis ay niratrat ang ilang bahay kaya tinamaan sina Molod at Abed.

Show comments