Misis nanunog ng bahay

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Pinaniniwalaang matin­ding selos sa kanyang mister ang nagtulak sa 37-anyos na misis para sunugin ang sariling bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Dacu, bayan ng Mobo, Masbate. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Milanda Butison  na sinasabing dumanas ng matinding selos sa kanyang mister dahil sa kumalat na tsismis na may ibang babae ito. Bago maganap ang insidente ay kinompronta ng suspek ang kanyang mister kaugnay sa nasabing isyu kaya umalis na lamang ng bahay ang lalaki. Nang balikan ng mister ang kanilang bahay ay nilalamon na ito ng apoy kung saan nasakote naman ang suspek.

Show comments