Kolektor dedo sa kuryente

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Natusta ang 25- anyos na bill collector ng Kalinga Electric Cooperative matapos makuryente habang nagkakabit ng kable sa poste sa Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga kamakalawa. 
Kinilala ni Kalinga PNP spokesman P/Supt.  Petrinilo Guidangen ang namatay na si Oliver Sulca na nakahawak ng talop ng linya ng kuryente na walang suot na protective gloves. 
Napag-alamang ikinakabit ng biktima ang linya ng kuryente sa poste kahit walang permiso sa kinauukulang opisyal sa cooperatiba. Nabatid na natagalan bago naibaba ng mga lineman ang biktima mula sa inakyatang poste bago ito naisugod sa pagamutan kung saan idineklarang patay.

Show comments