Mag-asawa niratrat sa piyesta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Napatay ang 34- anyos na dating barangay chairman habang kritikal naman ang kanyang misis matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan habang idinaraos ang kapis­tahan sa Barangay San Bernardo, bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Edwin Calubaquib, hepe ng Cabagan PNP ang napaslang na si Jody Baccay samantalang kritikal naman ang misis na si Concepcion Baccay, 48, public school teacher at kapwa nakatira sa Barangay San Antonio sa nasabing bayan.
 Lumalabas sa imbestigasyon na naglalakad ang mag-asawa patungo sa bahay ng kanilang kaibigan sa Brgy. San Juan nang tambangan. Napag-alaman na niratrat din ng gunmen ang mga magulang ng dating chairman may ilang taon na ang nakalipas sa nasabi ring barangay. 


Show comments