Mag-asawa, anak minasaker

MANILA, Philippines - Magkakasunod na pinatay ang mag-asawa at kanilang anak habang isa pa ang  nasa kritikal na kondisyon makaraang rat­ratin ng mga armadong kalalakihan sa naganap na masaker sa bayan ng Baungon, Bukidnon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Juan Magsalay, Rosita Magsalay at anak na si Julius Magsalay na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Isinugod naman sa Northern Mindanao Medical Center ang 5-anyos na si Alvin Julius Magsalay na nasa kritikal na kondisyon.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, ang mga biktima ay nasa videoke house sa Barangay Mabuhan Baungon nang biglang pagbabarilin.

Narekober sa crime scene ang siyam na bala ng cal. 9mm pistol at apat na cartridge ng pinaglagyan ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments