Negosyante itinumba sa tindahan

BULACAN , Philippines   â€“ Pina­bulagta ang 63-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay San Jose, bayan ng Baliwag, Bulacan kamaka­lawa ng umaga.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Her­nando Batac ng Barangay Dalayap sa bayan ng Candaba, Pampanga.

Sa imbestigasyon nina PO3 Dante Castillo at PO2 Marvin Perez, lumilitaw na nagluluto ang biktima sa gilid ng kanyang tindahan sa Gil Carlos Street nang lapitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen bandang alas-7:30 ng umaga.

Pinaniniwalaang may matinding atraso sa ibang negosyante ang biktima kaya isinagawa ang pamamaslang.

 

Show comments